DISCLAIMER: Ang pasaring ng post na ito ay para lamang sa mga may pakana ng Nuclear Program ng bansang aangasan ko, at hindi ang taong bayan nito.
Blogger cannot be held responsible for my actions, since I am living in a free country, and have the right to freedom of expression. Isa pa, hindi lamang ako ang may ganitong pananaw sa isyung ito. kundi milyun-milyong tao sa mundo. Hehe...
pahabol nga pala. 'kakarinig ko lang ng balita.
Ang NorthKorea talaga, oo. naghahamon 'ata. nagpaparami ng armas nuclear.
may mas maangas pa pala sa ating mag pinoy. yung kapitbahay natin sa hilaga.
sa gulo lang 'to hahantong, kagaya ng nangyari sa Bioweapons ng Iraq (2000-something), at Nuke weapons ng Russia (1960s). Didisarmahan rin yan ni Big Brother/uncle (hindi papa)sam.
Nakababahala kasi malaki ang posibilidad na madamay tayo. may kakayahan ang nukes ng NK na makaabot sa Pilipinas. Ito ay paglabag sa NPT (Nuclear Nonproliferation Treaty)!!
papayagan ba nating magkagulo na naman dahil sa pangkapangyarihang interes ng iisang bansa? Nagsisimula na nga'ng umaksyon si Big Bro e. sinyales ng nagbabadyang kaguluhan.
'asan na'ng hustisya dyan?
Wednesday, October 11, 2006
Tuyo na ba'ng uniporme mo?
Tuyo na ba'ng isusuot mo bukas?
Isang bagay ang kailangan natin ngayon: PAGBABAGO.
pagbabago,hindi lamang ng presidente, kundi ng ating mga sarili. pagbabago ng ating asal at hangarin. pagkakaroon ng pagkakaisa.
Sa mga nangyayari sa 'pinas ngayon (alam nyo na kung ano yun), ang suliranin (at ang solusyon) ay nasa ating mga sarili.
Ang tanong: kapamilya, deal, or no-este,
Handa na ba tayo para dito?
Tuyo na ba't plantsado ang isusuot natin?
Thursday, October 05, 2006
unang kisaw
gagmay'ng kisaw...
(Ano ka'mo? ano'ng kisaw? Yun ba yung street food na galing sa manok na nabibili mo ng talong piso? Yung carcinogenic, at sinawsaw pa sa sarsang may typhoid?)
Hinde, shunga!! Heto:
kisaw (n) (kee'sau) a cebuano word pertaining to small, mostly negligible noises and activities.
yun ang gagmay'ng kisaw-- mga maliliit na ingay. Hehe...
basta yun na yun. Mga kuro-kuro, mga opinyon, o kahit anong nais kong sabihin at ipagkalat. Hindi tsismis. Hindi pagbatikos (sa mga walang kailangang batikusin).
Introduction na muna, wala pa 'kong maisip na ipost, eh. Para di na kayo malito sa kung ano ba talaga ang "kisaw" at ano ang kinalaman nito sa inyo, kung meron.
Masyado ba 'kong seryoso? :)
(Hinde, shunga!!)

Subscribe to:
Posts (Atom)